Saturday, March 23, 2013

March 2013

Diarybeybeh <333
March 23, 2013

First day ko here :) hehe. Nangangapa pa ko, nakakalito kasi XD Ohwell, let's remember this day. Uhm.. Wala lang. haha. From now on, ito na magiging diary ko. May diary naman ako. Pero kasi, alam niyo yun. Bukod sa nakakatamad magsulat, baka may iba pang makakita XD haha. tsaka, basta akin nalang x) mehehehe. Goodnight :'*


--------------------------------------------------------------------------------------

Diarybeybeh <333
March 24, 2013

Fuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu~ Alam mo yung umaasa?! Ako yun ehh! Tae talaga. Nabigla paman din ako. Kagabi ko pa iniisip yun. "Paano kaya kung dumating siya bukas?" "Paano kaya kung bigla siyang dumating tas pumasok siya sa kwarto tas tulog pa ko?" "Paano kung siya pa yung gigising sakin bukas?" Tapos kanina... "Ate! Gising. May naghahanap sayo!" Ako naman itong super excited na makita na SIYA ulit, nag-expect ako na SIYA na yun. Pagtingin ko sa labas ng kwarto ko, wala. Pinsan ko lang pala <///3 Haaaay. Minsan tuloy napapa-isip ako. May saysay ba yung paghihintay ko? MAY HINIHINTAY PA BA TALAGA AKO? Baka kasi, umaasa nanaman ako sa wala. [9:30 AM]

--------------------------------------------------------------------------------------

Diarybeybeh <333
March 25, 2013

Alam mo yung feeling na ayaw mo nang mag-assume pero di mo mapigilan? Ewan ko ba kasi bat pinanganak akong assuming. Nakaka-bwisit na. Haaaaay. Walang bago. Wala parin siya. Minsan iniisip ko, "sana pala di ko nalang narinig yung pinag-usapan nila". Edi sana hindi ako umaasang dadating siya ngayon. Nakakainis. Ang chismosa ko kasi! >.<

Today pinanood ko ang "Ma Boy" Takteeeeeeee!!! Ang gwapo ni Sun Woong <333333 Bagong bias :)) keke. Pero siya si Myungsoo parin ang pinakabias ko sa lahat ng bias ko x) [11:30 PM]

--------------------------------------------------------------------------------------

Diarybeybeh <333
March 26, 2013

Wala parin siya .____. Pero, shemay lang! Yung panaginip ko, puro tungkol sa knaya! >.< Meron pa nga dun, nagtext daw siya sakin. Sabi niya, "Sorry kung hindi ako makakabalik. May nangyari kasi ehh. Miss na kita." Ohh diba? Pati sa panaginip ko, napaka-assumera ko :/ [2:40 PM]

--------------------------------------------------------------------------------------

Diarybeybeh <333
March 27, 2013

Practice-practice din para sa graduation day :) Super init! Lalo na sa gym. Kaya naman, gala-gala sa mall ang peg ko today. Okay, walang bago. Wala parin siya :/

--------------------------------------------------------------------------------------

Diarybeybeh <333
March 28, 2013

Wala parin siya.

--------------------------------------------------------------------------------------

Diarybeybeh <333
March 29, 2013

Grabe lang. Nakakatanga din palang magpakatanga. Today nagdecide akong itigil na ang paghihintay. Wala din naman akong mapapala. Diba? Pero bat ganun? Bat parang ayaw akong patigilin? Bwisit lang. Alam mo yung feeling na literal na bumilis yung heart beat mo? Yun yun ehh! Pagkarinig na pagkarinig ko palang dun sa sasakyan. Pagkakita ko palang dun sa red van na huminto sa tapat ng bahay ng kapitbahay namin, nafeel ko na kaagad yung weird na feeling ng pagbilis ng heart beat. Super excited ako. Super excited ako na makita siya dahil aaminin ko, nawalan nako ng pag-asang makita ulit siya. Hindi ako makalabas ng bahay, nahihiya ako. Kaya naghintay nalang ako sa loob. Alam ko naman kasi na pupunta siya samin. Naghintay ako, pero walang pumunta. Hanggang sa narinig ko nalang na hindi man pala siya sumama <//3 Nakakasakit lang ng loob. Yung feeling na super saya mo as in SUPER SAYA tas parang isang sampal lang na malulungkot ka. Bat ba kasi sinabi niyang babalik siya, kung hindi naman pala?! Bwiset lang.

--------------------------------------------------------------------------------------

Diarybeybeh <333
March 30, 2013

So far enjoy namang mag-GC -_______- Pero di ko maiwasang hindi siya isipin. Kabwiset lang talaga minsan mga daydreams ko.

No comments:

Post a Comment